NEWS
Taal Lake Creature, Namataan!
Isang higanteng hayop ang namataan kamakailan lamang sa Tagaytay City, sa isang pook
malapit sa Taal Lake, kung saan hinihinalang ito ay namamahayan. Ang hayop na ito ay
tumatayo ng mahigit sa sampung talampakan at nag aanyong ibon ngunit may kaunting hawig
sa tao.
Ang hayop, na binansagang "Taal Creature" ng mga testigo, ay mahahalintulad sa Loch Ness
Monster na tinatawag na "Nessy", ngunit di ito nagtataglay ng itsurang pang prehistoric
animal. Tinatayang nasa 3 tonelada ang bigat nito, at may posibilidad na ito ang "missing
link" na hinahanap ng ilang mga siyentipiko.
"Posible talagang ito na yung missing link, pero nakakapag alala nga lang, na imbes sa
unggoy na ilapit ang sangkatauhan, mukhang sa ibon tayo nanggaling." salaysay ni Dr. Piolo
Pascual, isang eksperto ng palaeontology, na isa sa mga nakakita sa Taal Creature. "Laking
swerte ko lang talaga na nakita ko, bihira lang naman ako mapadpad ng Tagaytay. Nakakaawa
lang yung isang mama na sinubukang gawin tanghalian nung Creature, tsaka yung mga turistang
ginulo nya."
Ilang turista din ang "tinerrorize" ng Taal Creature, karamihan sa isang sikat na kainan
na kung saan tanaw ang lawa. Ayon sa mga testigo, ang Taal Creature ay ginulo ang isang mesa
ng mga kumakain, nangilatis ng ilang turista, nagpapiktyur sa ilang lasing, nandukot ng cell
phone, at sumubok mag uwi ng isang lalaki, na hinihinalang gagawin nitong hapunan.
"Buti nalang nakaligtas ako." sabi ni Jude Prontiyer, ang biktima. "Wala man lang ginawa
yung life partner ko na si Mikhail eh, pinanood lang ako. Break na kami ngayon." salaysay
nung badaf.
Matapos itong manggulo, ang Taal Creature ay bumalik din sa lungga nito malapit sa
bulkan, na kasalukuyang isinara muna ng mga awtoridad mula sa madla. Ilang mga operatiba ng
DENR ang nagpapatrol sa paligid ng Taal Lake, sakaling lumabas ulit ang Taal Creature.
kelangan santos talaga pangalan ko? hahaha!
ReplyDelete