Friday, November 20, 2009

Isang pagsisiyasat ng emosyon

Sa itong nalalapit na kapaskuhan, napapanahon ang pagsilip mula sa ating mga alaala at nakaraan upang lumalim ang pagkakakilala natin sa ating mga sarili. Isang bagay na malaki ang kauganayan sa ating mga pinapangarap at ninanais na makamit ang ating mga emosyon at kung paano natin ito pinapakita. At upang tayo'y matulungan sa ating mga adhikain, nais kong ipakita ang ilang larawan kung saan nasasaad ang buong diwa ng bawat emosyon na dumadaan sa ating mga damdamin.

Galit

Pansinin ang mga itsura ng mukha ng mga tao sa larawang ito. Aking itataya na ito ang mga dumadaloy sa kanilang mga isipan:
King "Nguya...umm... nguya."
Doybid: "Tanginang King to ngumunguya sa harap ko."
Piolo: "Tanginang plato to wala nang laman."
Rotsen: "Tanginang plato to mauubos na laman."
Pehipol: "Tanginang Pio to, ang laki ng katawan."
Vanes: "Tanginang Pehipol to."
Judd: "Tangina wala ako sa gitna ng piktyur."

Saya

Jaja: "Tignan nyo o, tinapay!"

Dismayado

Pehipol: "Pangit ng lasa ng ano mo pre."
Judd: "Pangit naman ng style mo."
Batman: "Kadiri kayo. Ayoko tumingin, Graveh!"

Gutom

Epifanio: "Pinya, Mine! Fresh!"

Simpatiya

Aso: "Pare ko'y, pa-score naman ng manok dyan."
Beng: "Woof!"

Bayanihan

Di kilalang tao sa likod: "Sige, abante mo lang, hawak ko na dito sa likod."
Pehipol: "Sigurado ka? Hawak ko na rin dito sa harap, pero baka mahubo ulit eh."

Paghihinagpis

"Michael! Bakit?!!!"

Gulat

Allan: "Wow! Glutamax works!"

Pag aalala sa kaibigan

Boboy: "Seryoso, umamin na si Pehipol?"
Pij: "Oo, walang biro pre."
Doyb: "Eto, pakita ko sayo yung txt."
Lolo: "No joke, dude, he's made amin na."

Constipation

"Two glasses of Pehipol's magic concoction, that should help. Uuunnhhh."

Paghihiganti

Allan: "Why didn't you tell me that was Pehipol in a dress?"
Jaja: "Hindi ka nagtanong eh!"
Mikee: "Oy, bawal homicide dito."

Sana'y ito ay nakatulong sa inyo. Asahan niyo't darating pa ang ibang mga artikulong makakapag paisip sa inyo.

Tuesday, May 12, 2009

Try the New Bulk-Up System

A Word From Our Sponsors


Banana Tree Bulk-Up System




Are you tired of being a thin, slight person, often being squeezed into tight corners? Are you fed up with the countless other heavier people, always jostling you out of lines and never even noticing you were there? Then don't fret, we have just the thing for you!


From the laboratories of the HandK Company, from proud inventors Harold Ramesh and Kumar Lee (no connection to the film), is the Banana Tree Bulk-Up system! Guaranteed to give anyone thin the right amount of weight gain, and a leaner and more noticeable frame.


With trees harvested from the southernmost parts of Busuanga, where the bananas were found to have special protein properties that are just enough to bulk up anyone with bones showing through their skin, the Banana Tree Bulk-Up System is designed provide the optimal amount of added body mass meant to get you movin' it with the maidens!


"It really works well, dude. You see, the problem with most people who are thin is their metabolism. Our system specifically finds a way to get around that problem. Not all the weight gain systems out there work all the time. Our system, on the other hand, is designed to work every time for everyone, everywhere." shares Harold.


"The way our system works, is that you don't eat the bananas. You don't eat any part of the tree. The thing is, you wear the tree, and with the weight of the branches, the leaves, the soil and the pot, you gain an instant 10 to 12 pounds! And you don't have to worry about any chemical imbalance that may occur."


The Banana Tree Bulk-Up System comes with a special harness, so the tree isn't noticeable as you walk around town strutting your leaner and hunkier frame. The trees and the soil are custom-designed by the HandK company, made to be maintenance free and having no need to be watered at all. The plant gets its moisture from the perspiration you produce while carrying it.


"We've sent a few photos of our number one customer so far, Paolo Perez, so you'll see how beneficial and effective our product is. You'll also see how convenient it is, and how easy to use. You'll see from the photos that the tree isn't really that noticeable with our specially designed harness, it's as if someone just pasted it on Mr. Perez's picture without much knowledge of how to use Photoshop."

So pick up your phones now, and call them at 566-5656, and order your very own Banana Tree Bulk-Up System, for that leaner, meaner, hunkier, sweatier you!





Tuesday, May 5, 2009

Lalaki, Biktima ng Spontaneous Human Combustion!

Lalaki, Biglaang Nasunog!


Isang lalaki ang biglaang nagliyab habang nanananghalian sa isang kainan sa Session Road, Baguio City, kahapon lamang. Ang lalaki, si Mikhail Deroskas, isang Russian Salsa Dancer na turista, ay nagtamo ng mga 3rd degree burns at kasalukuyang nasa Burn Unit ng Pascual Institute of Medical Palaeontology, isang ospital at skwelahan malapit sa Session Road.


"Isa nanaman ito sa mga palaisipan ng buhay. This is spontaneous human combustion, mabuti at may natira pa sa kanya, hindi abo na lang. Pero yung utong niya beyond repair na." salaysay ni Dr. Piolo Pascual, ang punong mediko ng PIMP. "We're going to try, nonetheless. Konting reconstructive surgery at papaya soap at baka mabalik yung ibang kulay nya."


Ayon sa mga testigo, si Mikhail ay kumakain lamang ng kanyang order ng 4-piece sizzling burger steak ng naganap ang insidente. Daliang binuhusan ng tubig at Knorr ng ibang customer ang biktima, sakaling masagip ito mula sa mga apoy.


"Ang laki nung mga apoy, biglaan lang talaga. Parang si Firestorm eh, yung lumang character ng DC comics." ayon kay Roy, isang testigo. "Pero maitim na rin talaga siya eh, bihira nga yun, Negrong Russian." Napag alaman din nga mga nag iimbestiga na mula pala sa isang paaralan ng Stoicism ang biktima, isang ideyolohiyang nagtuturo ng kawalan ng reaksyon mula sa kahit anong pangyayari.


"Buti nga sa kanya. Wala siyang kwentang life partner. Sideline lang yung Stoics na yun, Salsa Dance instructor talaga yang chorvs na yan." salaysay naman ni Jude Prontiyer, ang nakalistang tao na tatawagan kapag napinsala sa ID ni MIkhail. "Di man lang niya ko sinubukang sagipin dun sa Taal Creature, tapos ngayon bigla na lang siyang masusunog, akala mo naman kay puti. Che!"


Pinag aaralan pa ng ilang mga eksperto ang mga posibleng dahilan ng biglaang pagliyab ni Mikhail, lalong lalo na at nangyari ang insidente sa Baguio City, ang tinuturing na pinakamalamig na pook sa Pilipinas. Kasalukuyang nakasara sa madlang bayan ang establisamentong pinagkainan ni Mikhail sa Session Road, habang patuloy ang imbestigasyon sa palaisipang ito.



Taal Lake Creature Sighted

NEWS


Taal Lake Creature, Namataan!




Isang higanteng hayop ang namataan kamakailan lamang sa Tagaytay City, sa isang pook
malapit sa Taal Lake, kung saan hinihinalang ito ay namamahayan. Ang hayop na ito ay
tumatayo ng mahigit sa sampung talampakan at nag aanyong ibon ngunit may kaunting hawig
sa tao.


Ang hayop, na binansagang "Taal Creature" ng mga testigo, ay mahahalintulad sa Loch Ness
Monster na tinatawag na "Nessy", ngunit di ito nagtataglay ng itsurang pang prehistoric
animal. Tinatayang nasa 3 tonelada ang bigat nito, at may posibilidad na ito ang "missing
link" na hinahanap ng ilang mga siyentipiko.


"Posible talagang ito na yung missing link, pero nakakapag alala nga lang, na imbes sa
unggoy na ilapit ang sangkatauhan, mukhang sa ibon tayo nanggaling." salaysay ni Dr. Piolo
Pascual, isang eksperto ng palaeontology, na isa sa mga nakakita sa Taal Creature. "Laking
swerte ko lang talaga na nakita ko, bihira lang naman ako mapadpad ng Tagaytay. Nakakaawa
lang yung isang mama na sinubukang gawin tanghalian nung Creature, tsaka yung mga turistang
ginulo nya."


Ilang turista din ang "tinerrorize" ng Taal Creature, karamihan sa isang sikat na kainan
na kung saan tanaw ang lawa. Ayon sa mga testigo, ang Taal Creature ay ginulo ang isang mesa
ng mga kumakain, nangilatis ng ilang turista, nagpapiktyur sa ilang lasing, nandukot ng cell
phone, at sumubok mag uwi ng isang lalaki, na hinihinalang gagawin nitong hapunan.


"Buti nalang nakaligtas ako." sabi ni Jude Prontiyer, ang biktima. "Wala man lang ginawa
yung life partner ko na si Mikhail eh, pinanood lang ako. Break na kami ngayon." salaysay
nung badaf.


Matapos itong manggulo, ang Taal Creature ay bumalik din sa lungga nito malapit sa
bulkan, na kasalukuyang isinara muna ng mga awtoridad mula sa madla. Ilang mga operatiba ng
DENR ang nagpapatrol sa paligid ng Taal Lake, sakaling lumabas ulit ang Taal Creature.