Lalaki, Biglaang Nasunog!
Isang lalaki ang biglaang nagliyab habang nanananghalian sa isang kainan sa Session Road, Baguio City, kahapon lamang. Ang lalaki, si Mikhail Deroskas, isang Russian Salsa Dancer na turista, ay nagtamo ng mga 3rd degree burns at kasalukuyang nasa Burn Unit ng Pascual Institute of Medical Palaeontology, isang ospital at skwelahan malapit sa Session Road.
"Isa nanaman ito sa mga palaisipan ng buhay. This is spontaneous human combustion, mabuti at may natira pa sa kanya, hindi abo na lang. Pero yung utong niya beyond repair na." salaysay ni Dr. Piolo Pascual, ang punong mediko ng PIMP. "We're going to try, nonetheless. Konting reconstructive surgery at papaya soap at baka mabalik yung ibang kulay nya."
Ayon sa mga testigo, si Mikhail ay kumakain lamang ng kanyang order ng 4-piece sizzling burger steak ng naganap ang insidente. Daliang binuhusan ng tubig at Knorr ng ibang customer ang biktima, sakaling masagip ito mula sa mga apoy.
"Ang laki nung mga apoy, biglaan lang talaga. Parang si Firestorm eh, yung lumang character ng DC comics." ayon kay Roy, isang testigo. "Pero maitim na rin talaga siya eh, bihira nga yun, Negrong Russian." Napag alaman din nga mga nag iimbestiga na mula pala sa isang paaralan ng Stoicism ang biktima, isang ideyolohiyang nagtuturo ng kawalan ng reaksyon mula sa kahit anong pangyayari.
"Buti nga sa kanya. Wala siyang kwentang life partner. Sideline lang yung Stoics na yun, Salsa Dance instructor talaga yang chorvs na yan." salaysay naman ni Jude Prontiyer, ang nakalistang tao na tatawagan kapag napinsala sa ID ni MIkhail. "Di man lang niya ko sinubukang sagipin dun sa Taal Creature, tapos ngayon bigla na lang siyang masusunog, akala mo naman kay puti. Che!"
Pinag aaralan pa ng ilang mga eksperto ang mga posibleng dahilan ng biglaang pagliyab ni Mikhail, lalong lalo na at nangyari ang insidente sa Baguio City, ang tinuturing na pinakamalamig na pook sa Pilipinas. Kasalukuyang nakasara sa madlang bayan ang establisamentong pinagkainan ni Mikhail sa Session Road, habang patuloy ang imbestigasyon sa palaisipang ito.
Sir, sir, ano po bang mga parte ng katawan nya ang napinsala?
ReplyDeletebuong katawan ang nagtamo ng sunog na nakakapangitim ng kulay. ayon din sa imbestigasyon, malala ang tinamong sunog ng kanyang mga utong. Tumanggi ding magpa-autopsy ang biktima, sapagkat buhay pa daw siya.
ReplyDelete