Tuesday, September 28, 2010

Samurai, Nag Amok sa Marcelo

Isang Samurai ang nagwala at nanggulo ng isang kabahayan sa Marcelo Village, Parañaque, kagabi lamang. Gamit ang luma nitong espada, nanalanta ng isang sasakyan at nanakit ng ilang tao ang samurai na nagngangalang Itongtong Koitim, isang Japanese national na nakabase sa Maynila. Ang dahilan ng kanyang pag aamok, ay kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad.

"Bigla na lang nya nilabas yung espada nya, tsong. Nagulat at natakot lahat kami. Takbuhan nga yung iba, pano ang haba eh." salaysay ni Isko Benganio, isa sa mga saksi sa pangyayari. "Yung hayop na yun, pinainom na nga namin tinarantado pa ko sa videoke"

Dalawang tambay ng bahay na sinugod ang nabiktimang malubos ni Ginoong Koitim. Pareho silang idinila agad sa Pascual Institute of Medical Paleontology, isang bagong tayong ospital sa may Lungsod ng Parañaque.

"Nagtamo sila ng mababaw na sugat lamang, pero nadale ng trauma ang mga pasyente. Hayaan nyo at aalagaan namin silang mabuti. Kami'y mga eksperto sa mga ganitong klaseng kaso." ayon kay Dr. Piolo Pascual, punong duktor ng PIMP.

Ayon sa ibang saksi, biglaang sumulpot ang samurai ng bitbit ang kanyang espada at nanakot ng mag tambay ng isang bahay. Hinihinalang dala ng katandaan at kahibangan ang biglaang pag sugod ng samurai. Napag alaman din na si Ginoong Koitim ay isang beterano ng pangalawang digmaang pandaigdig, at isang tradisyonal na Hapon.

"Hapon talaga yan. Hapon kung lumabas ng bahay kaya ang itim, kita naman diba?" patuloy na salaysay ni Isko Benganio.

"Actually, debotong Hapon ng Diyos ng Araw itong si Itongtong Koitim. Naniniwala talaga sya sa relihiyon ng mga Hapon na ang Araw ang Diyos, kaya lagi itong nag bibilad." nabanggit ni Dr. Pascual.

Ayon din sa ulat ng PIMP, ang dalawang biktima ay si Allan "Ka Almu" Pineda at Bong "Boy Pepsi" Sta. Maria. Nagtamo si Ka Almu ng ilang kontusyon matapos hampasin ng hawakan ng espada ni Koitim at nakatulog kung saan ito natsempuhan, habang may hawak na tsitsirya at inumin. Si Boy Pepsi ang nakapagtamo ng mas malalang parusa, pagka't napagdiskitahan pa itong pag ehersisyuhin ng nagwawalang Hapon.
"Grabe yun tsong, pinag sit-up nya ng tatlong daan si Boy Pepsi. Ayaw patigilin kung hindi tatagain daw niya." ayon ke Isko. "Hinampas nya rin ng espada nya sa ilong, kaya ayun, namaga."

Hindi pa kuntento sa pang aabala sa mga tambay, nandisgrasya pa ng isang kotseng nakaparada si Koitim at paulit ulit na sumigaw ng "By the power of Gayskull!" sa gitna ng kalsada. Ilang kapitbahay ang nabulabog hanggat tumawag ng pulisya.

Umalma rin ang nagwawalang Hapon matapos makipag usap ng maayos sa pulisya, at nakisama sa inuman at pag tambay ng mga tambay sa bahay na tinatambayan nung manggulo ito ng tambay ng may tambay.

"Astig din si Itongtong. Maitim na Hapon eh." sabi ni Isko.

No comments:

Post a Comment